Bakit magsasara ang Remitly Circle?
Para maging mas simple ang pamamahala sa iyong pera, pagsasamahin namin ang lahat sa iisang mapagkakatiwalaang app: ang Remitly.
Binibigyang-daan ka ng bagong Remitly Wallet na mag-store, mag-send, at mamahala ng iyong pera sa iisang lugar.
Ano ang Remitly Wallet?
Isang secure na account ang Remitly Wallet sa loob ng Remitly app na tumutulong sa iyong manatiling handa para sa bawat transfer, nang simple, secure, at palaging nasa pinakamagagandang rate ng Remitly.
Magdagdag at magpanatili ng mga pondo sa USD para panatilihing ligtas at handa ang pera na ise-send sa aming pinakamagagandang rate. Manatiling handa para sa suporta sa pamilya, mga layunin sa hinaharap, o mga sorpresa ng buhay.
Agarang mag-send ng pera mula sa iyong balanse kapag oras na, para mabilis at maaasahang dumating ang mga transfer.
Gumastos saanman sa mundo gamit ang Remitly debit card at ma-enjoy ang walang transaction fee sa ibang bansa kapag ginamit mo ang iyong balanse sa wallet online, sa mga store, sa bahay, o sa ibang bansa.*
Magtabi ng higit pang nasa iyo nang walang buwanang fee, walang kinakailangang minimum na balanse, at walang fee para magdagdag ng pera.
Pagkatiwalaan ang app na inaasahan ng milyon-milyon para sa mga secure at nasa takdang oras na transfer. Nasa loob ng Remitly app ang Remitly Wallet, na nag-aalok ng parehong pagkamaaasahan, proteksyon, at peace of mind na alam mo na.
*Ibinibigay ng Lead Bank ang mga serbisyo sa pagbabangko at ang Remitly Debit Card. Iniisyu ng Lead Bank ang Remitly Debit Card alinsunod sa paglilisensya ng Visa® U.S.A. Inc. May mga nalalapat na fee. Ang Remitly, Inc. ay lisensyadong money transmitter, hindi isang bangko. Tingnan ang Mga Tuntunin at Kasunduan sa Cardholder para sa higit pang detalye.
Ano ang mangyayari sa Remitly Circle app?
Permanenteng aalisin ang Remitly Circle app sa App Store at Google Play pagkalipas ng Nobyembre 30, 2025, at hindi na ito kailanman magiging available para ma-download o ma-install ulit. Matatapos din ang lahat ng serbisyo ng Remitly Circle sa petsang ito.
Kanino ako puwedeng makipag-ugnayan para sa tulong?
Kung mayroon kang mga tanong o kailangan ng suporta, bisitahin ang aming Help Center para sa step-by-step na gabay.
Paano kung may pera pa ako sa aking Circle account?
Kung hindi mo pa nabubuksan ang iyong Remitly Wallet, ligtas pa rin ang iyong pera. Puwede mong buksan ang iyong wallet para ilipat ang iyong balanse, o makakahiling ka ng refund anumang oras sa pamamagitan ng aming team ng Suporta sa Customer. Makakahiling ka rin ng iyong history ng transaction sa Circle mula sa nakalipas na 24 buwan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Suporta sa Customer.

